Kaugnayan sa Larawan

 

Pagbabasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina

 

Kaugnayan sa Larawan


 

Pangkalahatang Panuto:

1.     Basahin at unawaing mabuti ang Alegorya sa Yungib ni Plato.

2.     Pumili ng isang paksa / pinapaksa sa binasang sanaysay.

3.     Iugnay ang nailing paksa sa grapikong representasyon na nasa itaas.

4.     Kinakailangang masakop ng inyong pagpapalinawag ang nais iparating ng sanaysay at ng larawan.

5.     Gamitin ang table na nasa ibaba para sa paglalagay ng iyong mga kasagutan.

 

Bahagi ng akdang binasa

Pinapaksa sa bahagi na napili sa akdang binasa

Kaugnayan ng larawan sa napiling bahagi

At kung ipinalalagay

pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at bako-bakong daan hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw, hindi ba siya mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang kaniyang mga mata ay maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita ang mga bagay-bagay sa kasalukuyan - ang katotohanan.

 

 

 

 

 

                Ang paksa sa bahagi na napili sa akdang binasa ukol sa Alegorya ng Yungib ay nagpapahiwatig ng kaalaman upang maibatid ang anyo ng isang tao sa ating kapaligiran. Sa paksang ito rin ipinahihiwatig na may mga tao o namumuhay sa yungib na may daan patungo sa liawanag na kung saan sinabi sa napiling bahagi na maaring makakakita o masilaw sa mga bagay-bagay o ang katotohanan. Ang punto lamang ng paksa na aking pinili ay ninanais ng may akda na mamulat sa katotohanan o masaksihan ng mga tao ang tunay na kaganapan dito sa mundo dahil, tayong mga taong nainirahan sa mundong ibabaw ay inaabuso ang sarili nating mundo at ginagawa nating guluhin ang ating isipan ukol sa mga problemang nagaganap sa mundo. Ang liawanag ang nagsisilbing patutunguhan nating mga tao dala ang mga suliranin na ginawa natin sa ating paglalakbay.

                  Ang aking napiling bahagi sa aking binasa ay may perpektong paksa na may kaugnayan sa larawan. Makikita sa larawan na may tao sa gitna at pinapaligiran ito ng iba't ibang sangay na nakakaapekto sa tao. At makikita rin dito na ang tao ay may kaalaman o pagiisip sa mga bagay bagay. Tulad sa napili kong bahagi tayong mga tao ay may iba’t ibang pagiisip, pag-uugali at gawi dala natin hanggang ngayon na natutunan natin sa ating paglalakbay sa buhay. Binuo tayo ng panahon sa tulong ng mga nakapaligid sa sa tao tulad ng edukasyon, pamilya, lipunan, modernisasyon at politika na kung saan naging mulat tayo sa katotohanan at hindi lahat sa atin ay binuo ng maayos o maaring sa pangit na pamamaraan. Gaya sa bahaging aking pinili, tayong mga tao ay minsan ng nagbubulagbulagan sa nangyayari kahit nakikita natin na hindi na maganda ang nangyayari sa kasalukuyan o mismo nating buhay.

 


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pangkatang Gawain

Tekstong Prosijural