Tekstong Prosijural
Tekstong Prosidyural
Hindi madali ang
pagpapatayo ng isang bagong tahanan sa panahon ngayon. Upang malampasan ang
maraming problema sa panahon ng proseso, gawing gabay itong limang hakbang. Sa
simula hanggang sad ulo ng pagplaplano, siguraduhing magtanong at bigyang linaw
ang ibang tao na dadaan sa kapareho mong proseso.
1 -
Pagpopondo
Unang hakbang na dapat gawin ng isang tao
na nais magpatayo ng bahay ay ang pagpopondo. Planuhin ang badyet na kailangan
sa gagawing bahay. Bigyang tuon ang kakailanganin mo sa laki ng gastusin at
maglaan ng isang pautang sa konstruksiyon at mortgage. Matutulungan ka nito sa
paraan na baguhin ang iyong mga plano sa pagpapatayo upang mabigyang pansin ang
nararapat na badyet. Humanap ng maasahang tagapayo sa pinansiyal upang hindi
mabigla sa mga gastusin dahil sa proseso ng pagpapatayo ng bahay ay mayroong
mga nakatagong gastusin na hindi malinaw sa isang pangkaraniwan na tao.
2 -
Paghahanap ng Lote
Ikalawang hakbang ay ang paghahanap ng
lote o pagpili ng lote, na kung saan kinakailangan na makipag-usap sa isang
Realtors upang makakuha ng magiging gastos para sa lupa. Asahan na 20 hanggang
25 porsiyento ng bagong bahay na ipapatayo ay patungo sa lupain. Sa pagpapatayo
ng bahay, isipin muna ng lote bago ang ibang detalye gaya ng sahig. Alamin ang
mga kundisyon, pagpapatuyo, zoning at mga code na pwedeng sumagabal sa gusali
ng lokasyon ng lote.
3 -
Pagpili ng Disenyo
Ikatlong hakbang ay ang hakbang na kung
saan magiging teknikal ang may ari sa pagpili. Sa hakbang na ito nakalaan ang
magiging kagandahan at kaayusan ng bahay. Maraming tahanan nag nabuo gamit ang
mga plano mula sa iba’t-ibang propesyunal. Bilang may ari ng ipapatayo na
bahay, ugaliin na kumuha ng ideya at opinion mula sa maraming katalogo na
magagammit. Piliin mo ang isang stock o isang pasadyang disenyo, sa paraan na
ito nagiging matalino sa pagpiling isang plano ang isang indibidwal kung saan
matugunan din ang mga gusto at pangangailangan para sa mga panahon pang
dadating.
4 -
Bumuo ng Grupo
Ang ikaapat na hakbang ay ang hakbang na
kung saan ang may ari ng bahay ay bubuo ng igrupo ng eksperto sa mga disenyo
upang magampanan ang kanyang kagustuha. Kabilang na dito ang mga tagabuo, excavator, taga-disenyo o arkitekto,
inhinyerong sibil at isang taga survey.
Kumuha din ng kontratista upang mabigyan ng isang magandang grupo. Sa huli,
ikaw parin bilang may ari ng bahay ang masusunod sa iyong gusto. Ang mga eksperto
lamang ay nandiyan upang magbigay ng gabay sa iyong tatahakin na proseso ng
pagpapagawa.
5 -
Makipagsundo ng isang Kontrata
Huli at ikalimang hakbang ay ang pakikipagsundo sa isang nakasulat na kontrata na na lagdaan at napetsahan ng parehong tkontratista at arkitekto. Ang kontrata ang naglalarawan ng proyekto nang detalyado at malinaw. Nagsisilbi din itong katibayan para sa mga partido na kasali sa proyekto na gagawin. Siguraduhin na tingnan mabuti ang nilalaman ng kontrata upang hindi magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa proseso ng pagpapatayo. Huwag kalimutan na ang kontrata ay pwedeng mababago kung nais mong gumawa ng pagbabago sa proyekto sa susunod.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento