Pangkatang Gawain
PANGKATANG GAWAIN
Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral
GROUP D
ADAJAR JERICO DELIMA KITTY
BROSAS JADE ANDREA GARCIA THEA ANDREA
DACPANO CARLO JAY SANTOS
LESTER
Pie Chart Bilang 1
Kasarian ng mga
Kalahok / Impormants
Sa unang
pie chart, ipinapakita ang kasarian ng kalahok na kinabibilangan sa pangakademikong
performans na mayroong 90 indibidwal. Ito ay nahahati sa dalawang kasarian na
may tig-kalahating porsyento, 45 na babae gayundin 45 na lalake.
Talahanayan Bilang 2
Kabuuang Porsyento ng
pagkatuto ng mga Kalahok / Impormants sa bawat Disiplina
Interpretasyon:
Sa talaan bilang dalawa (2), ay tumutukoy sa porsyento ng pagkatuto ayon sa mga asignatura na sakop ng mga kalahok. Ang pinakaaktibo at. may pinakamataas na porsyento ay Mapeh na mayroong 77.788 samantalang ang pinakamababang porsyento ay English na may 67.612%
Talahanayan Bilang 3
Mga Salik na
Nakakaapekto sa Pag-aaral ng mga Kalahok / Impormants
Interpretasyon:
Sa ika-tatlong
talahanayan, pinapakita ang mga pangunahing salik o dahilan na nakakaapekto sa
pag-aaral at pagganap ng mga kalahok sa kanilang pang-akademikong performans.
Ang pinakanakakaapekto sa pag aaral ng mga kalahok ay ang kawalan ng internet
connection at sumunod dito ang kakulangan sa pagkakaroon ng gadget/s
samantalang ang may pinakamababang porsyento ay ang pagkakaroon ng malubhang
sakit.
Konklusyon:
Ang mga datos na sa bar graph na ito ay nagbibigay ng impormasyon sa paraan ng patulong upang bumuo ng epektibong konklusyon. Batay sa mga datos na sinuri ng mga mananaliksik, 45 katao o 50% na babae at 45 katao o 50% din na lalaki na mag-aaral ang naapektuhan ng implikasyon ng pandemya sa pang akademikong performans ng mga mag-aaral. Makikita din ang ibat ibang salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga kalahok.
Ilan sa mga may matataas na Mean sa
mga salik ay ang:
1. Kawalan ng Internet connection
2. Kakulangan ng mga Impormasyong nakalahad sa Modyul
3. Kakulangan sa Gadget/s
4. Kakulanagn ng sapat na Gaby sa Pag-aaral
Batay sa mga Datos na nakalap at nasuri, kung saan nagkaroon ng
pinakamababang pursyento sa English, Math at Science na makapagsasabi na ang
mga mag aaral ay walang sapat na kagamitan at may kakulangan ng supporta upang
maging epektibo ang implikasyon ng pag-aaral sa panahon ng pandemiko.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento