Sanaysay

 

 

Kabataan Pag-asa pa nga ba ng Bayan?

 

I.                Depinisyon

Ang kabataang Pilipino ay tumutukoy sa mga residente na may edad 15 hanggang 30. Ang mga kabataan ay ang itinuturing na pag-asa ng bayan dahil sila ay kabilang sa working class ng kasalukuyang panahon. Sila rin ang siyang may kapangyarihan na magsalita sa social media ukol sa mga ibat-ibang usapan tungkol sa bansang Pilipinas. Ito ay kinabibilangan ng mga propesyunal, estudyante, trabahador at marami pang iba. Ang kabataan ay lubos na kailangan ng gabay. Ito ay upang matiyak na maayos ang tatahakin nilang landas tungo sa tagumpay at pagbabago ng isang bansa.

 

a. Milenyal na Kabataan

Makabagong kabataan na mababansagan nating mga, Millenials. Ang mga Milenyal na kabataan ay mga kabataang nasa generation Y at Z. Mga ipinanganak noong 1980’s hanggang sa kasalukuyang panahon. Ibat-ibang kultura ang umusbong sa kasalukuyang panahon tulad ng pananamit, lengguwahe, at higit sa lahat ang edukasyon na malayong naiiba sa kabataan noong panahon na hindi pa nausbong ang teknolohiya

 

II.              Kabataang Pilipino ngayon

 

a.      Ugali

 

Marami sa kabataan ngayon ay walang galang at respeto sa nakakatanda. Hindi na nila ginagalang ang kanilang mga magulang. Sa katunayan ang iba sa kanila ay walang pakialam kung masaktan ang damdamin ng mga ito dahil sa pagsagot sa kanila. Ang iba pa nga ay minumura ang kanilang mga magulang. Ang mga kabataan din ay nagrerebelde kapag ang mga magulang ay naghigpit sa kanila at hindi maibigay ang mga bagay na nais nilang makuha sa madaliang panahon. 

 

b.     Paraan ng pamumuhay

 

Ibang iba na ang pamumuhay ng isang kabataan sa kasalukuyang panahon. Sa pag unlad ng teknolohiya mas maraming bagay ang nagagawa nito na makakatulong sa atin, ngunit may mga kabataan rin na umaabuso na. Makikita natin ito sa mga kabataan ngayon na dahil sa teknolohiya nakakalimutan na ang gawaing bahay kayat sobrang balisa at parang wala na syang pakialam sa epekto ng teknolohiya, oo alam natin na malaki ang natutulong ng teknolohiya sa atin ngunit dapat rin nating alalahanin na sa maling pag gamit natin nito may mga bagay na naapektuhan.

 

c.      Kultura

 

Sa panahon ngayon, masasabing ang kultur ana ng mga kabataan ay ang teknolohiya. Sa panahon ngayon ang mga kabataaan ay mas magaling nang magisip. Dahil sa babad sa paggamit ng gadgets katulad ng cellphone, tablet at laptop na pwedeng mag internet. Sa pamamagitan ng teknolohiya mas madaling nakakakuha ng impormasyon ang kabataan na siyang nagpapalusog din ng kaisipan ng kabataan bunga ng paggamit nito. Lumalawak ang kapasidad ng isip dahil sa iba’t – ibang impormasyon at ideya ang nakukuha. Binibigyan sila ng kapasidad na magisip para sa ibat-ibang bagay na makakatulong sa bansang Pilipinas. 

 

III.            Pamumuhay ng Kabataang Pilipino sa kasalukuyang panahon

 

a.      Pag-aaral

 

Sa kasalukuyang panahon, maraming Pilipino ang nakakapagtapos at nakakakuha ng magandang trabaho. Masasabing ang pag-aaral sa kasalukuyang panahon ay tunay na nakapagpabago sa imahe ng bansa. Maraming mga Pilipino ang nagiging matagumpay sa ibat-ibang larangan ng patalinuhan sa ibang bansa ng dahil sa mabuting pamamaraan ng pag-aaral sa bansang Pilipinas. 

 

b.     Rekognasyon sa kabataang Pilipino

Masasabing ang edukasyon noon ay ibang-ibang na sa ngayon. Kaya ang mga mag-aaral ngayon ay may ibat-ibang ugali na ng pag-aaral. Nagiging matalino na ang mga estudyante ngayon sa tulong ng teknolohiya na kung saan, mas nabibigyan sila ng maraming impormasyon mula sa internet. Sa pagdaan ng panahon, mas pinapadali na ng internet ang buhay ng estudyante. Marami ring mga kabataan ang nakakapagtapos at nabibigyan ng rekognasyon ang ating bansa sa tulong ng kanilang galing sa ibat-ibang larangan. c. Hindi nakakapagtapos

Ang ilan sa mga paratang na isinampa laban sa modernong kabataan ay ang mga ito ay kumakatawan sa isang henerasyong walang timon na walang anumang mga mithiin upang mabuhay o dahilan upang mabuhay. Sila ay pinahihirapan ng mapilit na kawalang-galang na nagpapakita mismo sa pagtaas ng pagsuway sa awtoridad ng magulang at pag-aalsa laban sa itinatag na mga pamantayan sa lipunan. Sa pinakamaliit na dahilan ay pumunta sila sa mga lansangan, nagpapakasawa sa karahasan. Nais nilang maakit ang atensyon sa pamamagitan ng hindi kinaugalian na pag-uugali. Sila ay nagiging isang henerasyon ng mga adik sa droga at nakabuo ng pag-ayaw sa tapat na pagsusumikap, na laging naghahanap upang magkaroon ng isang bagay para sa wala. Ang hindi na sabik na kabataan nito ay lumalabas, sa isang pagalit na mundo. Ngayon ang pagalit na kabataan nito ay papunta sa isang balisang mundo na hindi sigurado kung ano ang aasahan mula dito.

 

IV.            Konklusyon

 

Ang kabataan ngayon ay sadyang nagbago na halintulad sa noon. Ang paggamit ng mga makabagong bagay tulad ng teknoohiya ay sadyang nakakatulong sa kabataan upang maging modernong pag-asa ng bayan. Ngunit nagiging sanhi din ito ng kabiguan at pagiging iresponsable sa mga tungkulin sa buhay tulad ng pagaaral.

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pangkatang Gawain

Tekstong Prosijural

Kaugnayan sa Larawan