Tekstong Argumentatibo

 

Sang-ayon ka ba sa pananakop ng Russia sa Ukraine?

 

    Sa kasalukuyan, mainit na pinaguusapan ngayon ang alitan ng Russia at Ukraine. Noon pa man ang Ukraine ay parte na ng imperyo ng Russia bago pa ito maging republika ng Sobyet. Pero noong 1991 sa tulong USSR naging malayang bansan ang Ukraine. Nagsimula na nga ang gulo nang tinanggihan ng presidente ng Ukraine na si Viktor Yanukovych ang isang kasunduan sa European Union. Tumugon naman ang Russia na naging dahilan ng pag hihigpit sa parteng silangan ng Ukraine. Napagbintanggan ang Russia ng Ukraine at Kanluran sa kadahilanan na nagpadala sila ng mga military upang maghiganti. Marami ang namatay sa pakikibaglaban ng dalawang partido. Ikinagalit lalo ng president ng Russia na si Vladimir Putin ang tangkang pagsali ng Ukraine sa NATO. 

 

    Maraming rason kung bakit patuloy na sinasakop ng Russia ang Ukraine, isa na dito ay hindi gusto ng bansang Russia na mapunta ang Ukraine sa NATO. Kung saan ang NATO ay binubuo ng iba’t ibang bansa. Bilang mamamayan ng isang malayang bansa, ako ay hindi sumasang-ayon sa pananakop ng Russia sa Ukraine. Ang mga rason ng Russia kung bakit nila ginagawa ito ay magreresulta lamang sa isa pang mas malaking gyera na madadamay ang marami pang mga bansa. Kahit sino sa atin ay hindi ito gugustuhing mangyari sa kadahilanan na maraming maapektuhan at masasaktan. Base sa predicksyon ng US, and pag atake ng Russia ay mag reresulta ng mahigit 50,000 sibilyan ang masasawi kasama na ang sundalo ng Ukraine at Russia.  Kung patuloy pang lumaki ang gulong ito, hindi lamang problema sa gyera ang mangyari kung hindi pati narin ang ekonomiya ng isang bansa. Bilang isang inhinyerong sibil, sinasabing ang presyo ng materyales sa konstraksyon ay tumaas sa iba’t ibang proyekto sa ibang bansa gaya nalang sa United Kingdom.  Ayon nga kay Graham Robinson, na lider sa pandaigdigang imprastraktura at konstruksiyon sa pagtataya ng negosyong sa Oxford Economics ay ang gyera na ito ay magreresulta sa inflation ng gastos para sa mga kontratista. Sa mga kadahilanan na ito, maaaring umabot sa bansang Pilipinas ang epekto nito na magiging problema ng mga inhinyerong sibil sa mga proyektong gagawin sa ating bansa. 

 

    Samakatuwid, ang pananakop ng Russia sa Ukraine na nagdulot ng gyera ay may masamang dulot hindi lamang sa dalawang bansang ito ngunit pati narin sa buong mundo. Huwag na sanang aabot pa sa mas malaking gulo ang pangyayari na ito dahil hindi kakayanin ng bansang Pilipinas kung magkataon na mangyari iyon. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pangkatang Gawain

Tekstong Prosijural

Kaugnayan sa Larawan