Tekstong Impormatibo

 

Tekstong Impormatibo: 

Neolohismo

 

Sa makabagong panahon, lumalaganap ang pagbabago sa maraming aspeto ng buhay ng tao lalo na sa wika. Tayong mga tao ay may kakayanan na mabago ang daloy ng wika sa isang komunidad. Malaya tayong nakakapagisip at bumuo ng bagong paraan ng pakikipagtalastasan sa kapwa gamit ang iba’t-ibang modernong midyum. Sa tulong ng pakikipagugnayan sa ibang tao, nabubuo ang maraming ideya na nakakatulong sa paglago ng buhay ng isang tao sa iba’t-ibang aspeto ng buhay. Sa makabagong panahon ng teknolohiya, nabubuo ang mga modernong salita, Kaya dito nabuhay ang neolohismo. Ang nilalaman ng tekstong ito ay ang mga modernong salita na umusbong at nagging epekto ng neolohismo sa pormal na edukasyon.   

 

Depinisyon ng Neolohismo

Ayon sa artikulo na ginawa ng isang orgnisasyon ng IK-PTZ (2020) ang neolohismo ay makabagong termino, paralila, salita na maaaring nasa proseso ng paggamit ng salita sa ating wika, subalit hindi ito pormal na ganap at tanggap sa ating pang-araw araw na wika. Lumalaganap ito sa mabagong panahon lalo na sa makabagong henerasyon na kung saan may ibat-ibang uri ng salita ang nabubuo. 

Ayon din sa aritikulo na ang konsepto ng neolohismo ay nais na baguhin at bigyang kulay ang iba’t-ibang wika kung saan naiiba ang orohinal na kahulugan uoang mabigyang kahulugan ang mga makabagong termino na nakasanayan ng isang tao at makagawa ng isang marka sa bagong konsepto ng makabagong panahon ng teknolohiya at komunikasyon. Ang neolohismo ay kadalasang tumutukoy sa isang tiyak na tao, panahon, o pangyayari. Nabuo dito ang mga "di pormal" na salita tulad na lamang ng mga kolokyal at balbal na salita. 

Paano lumaganap ang Neolohismo?

Bilang mga tao, ang bawat isa ay may kakayahang makapagsalita at makapag-isip gamit ang mga wikang pambansa. Sa paglipas panahon, nagiging moderno na ang ating henerasyon at patuloy na lumalaganap ang neolohismo. Ang neolohismo ay may kahulugan na "bago" na ang ibig sabihin ay "pananalita o pagbigkas". Ito ang naging tawag sa isang termino, parilala, o salita na nasa proseso ng pagpaasok sa pangkaraniwang gamit, subalit maaaring hindi pa ganap na tanggap sa pang araw-araw na wika. Napatunayan dito na dinamiko ang ating wika. Malaki ang posibilidad at kakayahan nitong umangkop at makabuo ng mga bagong salita. Ang pagtanggap ng mga tao o madla ang pinakamahalagang dahilan upang manatili ang neolohismo bilang bahagi ng wika dahil kung hindi ito pumasok sa kultura ng wika, maaari itong mawala ng natural at maglaho na lamang. Ninais ng mga adbokasya na ang neolohismo ay bigyang pansin bilang paksa upang mapalaganap ito. 

Narito ang mga kaalaman sa ibat-ibang paraan kung paano lumaganap ang neolohismo sa modernong panahon. Una, ang ideya ng tao sa isang salita na nagpapahayag ng sariling opinyon ay lumalaganap. Dahil dito, nagaganap ang paglikha at pagkakaroon ng mga bagong salita. Ibat- ibang ideya ang nalilikha sa pagkakaroon ng bawat salita at maaaring ito rin ay mula sa kombinasyon ng mga salita. Pangalawa, sa pamamagitan ng mga ideya, patuloy ang paggamit ng mga tao sa ibat-ibang nalilikhang salita. Sa patuloy nitong paglaganap ay nagkakaroon ito ng dulot sa pagbabago at nagkakaroon ng pagkakaiba. Pangatlo, dahil ang wika ay dinamiko, ang pagrehistro ng iisang salita lamang ay nakakalikha ng maraming kahulugan. Pang-apat, malaki ang posilibidad na ang mga tao magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sapagkat may ibat-iba tayong kahulugan at pananaw sa isang salita o bagay kung kayat nagreresulta ito sa pagkakaiba o hindi pagkakapareho. Hindi lahat ng tao ay sang-ayon sa pagbabago ng wika kung kaya't magdudulot at magdudulot ito ng ibat-iba at panibagong mga salita. 

 

1.3 Pagkakaiba ng mga “Di-Pormal” na salita (Balbal at Kolokyal)

Bilang tao, nabigyan tayo ng kakayahan na makapag-lahad ng ating nararamadaman gamit ang sari-saring uri ng wika. Mayroon na tayong mga unang salita na natututunan noon pa lamang. Mula sa mga wikang pang sariling komunidad, ang bawat indibidwal ay natutong gumamit ng mga wikang kolokyal at balbal. Ang dalawang wika na ito ay karaniwan na ginagamit ng isang indibidwal sa pang araw-araw. Dito na pumapasok ang neolohismo na kung saan ang mga makabagong salita ay nabubuo at ginagamit sa pagtalastasan ng magkaibang indibidwal. 

Ayon kay Ki (2020) ang kolokyal ay masasabing bersyon ng mga salita na pinaikli lamang. Nagbibigay ito ng hindi magandang kahulugan subalit maaari rin namang maging repinado batay sa sino ang nagsasalita. 

Halimbawa: nasan - nasaan

Dagdag nito ang balbal naman ay halos katulad rin ng kolokyal ngunit hindi ito pormal. Kung sa Ingles ito ay “slang”. Nabubuo ang mga balbal na salita sa pamamagitan ng pag samasama ng iba’t-ibang salitang Filipino o salitang banyaga. 

Halimbawa: syota - kasintahan

Malaki ang naging kontribusyon ng mga kolokyal at balbal na salita sa neolohismo. Binigyan linaw ng mga bagong salita na nabuo ang modernong wika. Napalawak nito ang mga bawat salita na umuusbong na nakakatulong sa maraming indibidwal sa paraan ng pakikipagtalastasan. 

1.4 Mga uri ng Neolohismo

Neolohism ng Form 

Ang ganitong uri ng neologism ay nagmula sa pagbabagong morpolohiko ng mga salita o salita na nasa wika na. 

Halimbawa: photojournalism, social christian, liberal democrat o popemobile.

Neolohism na Semantiko 

Ito aytumutukoy sa mga salitang kahit bahagi ng isang wika, ay kinukuha sa parehong wika na may ibang kahulugan upang magtalaga ng mga elemento o aspeto ng iba pang mga lugar. 

 

Halimbawa: search engine, viral, parquet o virus.

Stylistic neologisms

Ang estilikong neolohismo ay mga salitang inilalapat upang magbigay ng isang mas positibo at sensitibong tono sa isang ekspresyon o term na nauugnay sa mga ginagamit na karaniwan. Kung hindi man, ang mga ito ay mga salita na nakalaan upang baguhin ang pangunawa ng mga bagay. 

 

Halimbawa: namatay, madilim, bulag o gig.

Functional neologism

Ang pag-uuri ng mga neologism na ito ay nauugnay sa pangangailangan na magdagdag ng mga salita sa isang wika dahil walang ibang paraan upang italaga ang isang partikular na bagay o sitwasyon. Ang mga banyagang salita ay nabibilang sa pag-uuri na ito. Sa pangkalahatan, pinapayagan ng mga uri ng term na ito ang komunikasyon na maging mas pabagu-bago.

Halimbawa: kilo, dyirap, uod o fireproof.

Mga neologismong panlipunan

 

Ang pananatili na ito ay nauugnay sa lahat ng mga salitang naglalarawan o tumutukoy sa ilang mga aspeto na nauugnay sa lipunan, sa mga kilos sa moral at pangkultura ng tao.

 

 Halimbawa: komite, welga, pagpupulong o sama-samang kasunduan.

Mga neologism na teknolohikal

Ang ganitong uri ng neologism ay nauugnay sa mga twists na ang ilang mga salita na gumawa sa mga larangan ng teknolohiya at agham. Halos palagi silang nagmula sa ibang mga wika, sa kaso ng Espanyol mula sa Ingles. Ang pag-uuri na ito ay isa sa pinaka ginagamit ngayon.

 

 Halimbawa: scanner, server, selfie o cyberspace.

 

1.5 Epekto ng Neolohismo sa Pormal na Edukasyon

 

Ang impluwensya ng neolohismo na galing sa wikang Kastila at iba pang mga wika ay naging parte na ng ating pamumuhay sa aspeto ng pakikipagugnayan at pakikipagusap sa iba’tibang indibidwal. Sa pagusbong ng makabagong panahon, patuloy paring nabubuo ang mga malawak na salita na nagagamit rin ng marami pang tao sa iba’t-ibang komunidad. Kaya’t kasabay ng pagusbong at paglaganap nito nakakaapekto din ito sa pormal na edukasyon sa kasalukuyang panahon. Sa kasalukuyang panahon, makikita sa mga mag-aaral ang pagbabago ng paraan nila sa pakikipagtalastasan. Hindi lamang sa simpleng bagay nakakaapekto ang isang wika kundi sa karakter ng isang indibidwal din. Ayon sa isang pananaliksik ni Espinosa, MD (2019) sila ay bumuo ng kwalitibong datos sa mga mag-aaral ng Saint Benilde Calamba City, Laguna upang makita ang epekto ng neolohismo sa mga mag-aaral. Gumamit ang mananaliksik ng dalawang magkaibang disenyo upang makalap ang mga resulta, ito ang “Focused Group Discussion” at “Exploratory Sequential Mixed Method”. 

Gamit ang mga resulta, bumuo sila ng datos kung saan may limang tema na nanguna sa isianagawa nilang pakikipagtalastasan sa mga napiling mag-aaral. Sa paraan na iyon nila napatanuyan na ang paggamit ng neolohismo ay may epekto sa mag-aaral at sa antas na kakayahan ng isang mag-aaral ng mga nasa Junior High School. Dito rin napatanuyan na ang mga estudyante sa Sekundarya ay may malawak na impluwensya sa paggamit ng neolohismo. 

 

1.6 Konklusyon

Sa makabagong panahon ng mga “post millenial” masasabing malaki talaga ang naging impluwensya ng neolohismo. Sa pagusbong ng teknolohiya, nabubuo ang pagkakaroon nga mga bagong salita na siyang nakakasanayang gamitin ng mga tao. Napatunayan din na ang neolohismo ay nagpalawak lalo sa wikang pambansa.Sa katunayan, may ibang tao na hindi tanggap ang epekto ng neolohismo ngunit sa iba naman ay nakakatulong ito sa kanilang pagkatuto. Bilang isang Filipino, naway maging bukas pa din tayo sa pagbabago lalo na sa ating wika. Huwag nating kalimutan respetuhin ang sarili nating wika at kultura kahit na umuusbong ang panibagong mga salita. Sa pangkabuuan, higit lamang na ninanais ng tekstong ito aymagbigay ng ideya tungkol sa patuloy na paglaganap ng ng neolohismo sa ating komunidad ng sagayon ay mabigyan linaw tayong mga tao sa wastong pagamit ng mga bagong salita. Kaya’t sa paraan na ito, mas malawak na ang kaalaman ng bawat isa ukol sa epekto ng paggamit ng mga salita na pormal at impormal sa bawat galaw, pakikipagtalastasan at pa-iisip ng tao. 

 

 

 


 

Mga Sanggunian:

IK-PTZ (2020). Mga neologismo at ang kanilang papel sa wika. Nakuha mula sa:

https://ik-ptz.ru/tl/fizika/chto-vy-ponimaete-pod-terminom-neologizmy-neologizmy-i-ih-rolv.html

 

Espinosa, MD. (2019) Epekto ng Neolohismo sa Akademikong Pagganap. Nakuha mula sa:  

https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/AAJMRA/article/view/7788

Kahulugan ng neologism. (2018). (N / A): Mga Kahulugan. Narekober mula sa: signifikanados.com.

20 mga halimbawa ng mga neologism. (2019). Colombia: Mga Halimbawa. Nabawi mula sa: mga halimbawa.co.

https://tl.warbletoncouncil.org/neologismo-11503  

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pangkatang Gawain

Tekstong Prosijural

Kaugnayan sa Larawan