Tula Tungkol sa Pulitika





Imulat Iyong mga Mata

ni: Jerico Adajar

Kapatid, imulat mo ang iyong mata
Pagmasdan mo ang gulo ng ating bansa

Nakita mo na? Pagbabago nasan ba?
Gaya ng kwadernong sulat ay blangko pa

Kapatid ibukas mo ang iyong mata
Wag magbulag-bulagan sa politika

Dahil ito ay kasing gulo ng gera
Kaya pagpikit? Isang kasalanan na

Huwag iboto dahil sa kayamanan
Iboto ang taong tapat sa sinoman
Gaya ni Rizal na tapat sa’ting bayan

Upang kapayapaan ating makamtan


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pangkatang Gawain

Tekstong Prosijural

Kaugnayan sa Larawan