Mga Post

Tekstong Prosijural

Imahe
Tekstong Prosidyural                  Hindi madali ang pagpapatayo ng isang bagong tahanan sa panahon ngayon. Upang malampasan ang maraming problema sa panahon ng proseso, gawing gabay itong limang hakbang. Sa simula hanggang sad ulo ng pagplaplano, siguraduhing magtanong at bigyang linaw ang ibang tao na dadaan sa kapareho mong proseso. 1   - Pagpopondo     Unang hakbang na dapat gawin ng isang tao na nais magpatayo ng bahay ay ang pagpopondo. Planuhin ang badyet na kailangan sa gagawing bahay. Bigyang tuon ang kakailanganin mo sa laki ng gastusin at maglaan ng isang pautang sa konstruksiyon at mortgage. Matutulungan ka nito sa paraan na baguhin ang iyong mga plano sa pagpapatayo upang mabigyang pansin ang nararapat na badyet. Humanap ng maasahang tagapayo sa pinansiyal upang hindi mabigla sa mga gastusin dahil sa proseso ng pagpapatayo ng bahay ay mayroong mga nakatagong gastusin na hindi malinaw sa isang pangkaraniwan na tao.    2   - Paghahanap ng Lote     Ik

Tekstong Impormatibo

  Tekstong Impormatibo:   Neolohismo   Sa makabagong panahon, lumalaganap ang pagbabago sa maraming aspeto ng buhay ng tao lalo na sa wika. Tayong mga tao ay may kakayanan na mabago ang daloy ng wika sa isang komunidad. Malaya tayong nakakapagisip at bumuo ng bagong paraan ng pakikipagtalastasan sa kapwa gamit ang iba’t-ibang modernong midyum. Sa tulong ng pakikipagugnayan sa ibang tao, nabubuo ang maraming ideya na nakakatulong sa paglago ng buhay ng isang tao sa iba’t-ibang aspeto ng buhay. Sa makabagong panahon ng teknolohiya, nabubuo ang mga modernong salita, Kaya dito nabuhay ang neolohismo. Ang nilalaman ng tekstong ito ay ang mga modernong salita na umusbong at nagging epekto ng neolohismo sa pormal na edukasyon.       Depinisyon ng Neolohismo Ayon sa artikulo na ginawa ng isang orgnisasyon ng IK-PTZ (2020) ang neolohismo ay makabagong termino, paralila, salita na maaaring nasa proseso ng paggamit ng salita sa ating wika, subalit hindi ito pormal na ganap at tanggap

Istraktura para sa Sulatin

  Depenisyon ng Neolohismo   Paano lumaganap ang Neolohismo?   1.3   Pagkakaiba ng mga “Di-Pormal” na salita (Balbal at Kolokyal)   1.4   Mga Uri ng Neolohismo   1.5   Epekto ng Neolohismo sa Pormal na edukasyon   1.6   Konklusyon   Mga Sanggunian

Tekstong Argumentatibo

  Sang-ayon ka ba sa pananakop ng Russia sa Ukraine?        Sa kasalukuyan, mainit na pinaguusapan ngayon ang alitan ng Russia at Ukraine. Noon pa man ang Ukraine ay parte na ng imperyo ng Russia bago pa ito maging republika ng Sobyet. Pero noong 1991 sa tulong USSR naging malayang bansan ang Ukraine. Nagsimula na nga ang gulo nang tinanggihan ng presidente ng Ukraine na si Viktor Yanukovych ang isang kasunduan sa European Union. Tumugon naman ang Russia na naging dahilan ng pag hihigpit sa parteng silangan ng Ukraine. Napagbintanggan ang Russia ng Ukraine at Kanluran sa kadahilanan na nagpadala sila ng mga military upang maghiganti. Marami ang namatay sa pakikibaglaban ng dalawang partido. Ikinagalit lalo ng president ng Russia na si Vladimir Putin ang tangkang pagsali ng Ukraine sa NATO.          Maraming rason kung bakit patuloy na sinasakop ng Russia ang Ukraine, isa na dito ay hindi gusto ng bansang Russia na mapunta ang Ukraine sa NATO. Kung saan ang NATO ay binubuo ng ib

Sanaysay

    Kabataan Pag-asa pa nga ba ng Bayan?   I.                 Depinisyon Ang kabataang Pilipino ay tumutukoy sa mga residente na may edad 15 hanggang 30. Ang mga kabataan ay ang itinuturing na pag-asa ng bayan dahil sila ay kabilang sa working class ng kasalukuyang panahon. Sila rin ang siyang may kapangyarihan na magsalita sa social media ukol sa mga ibat-ibang usapan tungkol sa bansang Pilipinas. Ito ay kinabibilangan ng mga propesyunal, estudyante, trabahador at marami pang iba. Ang kabataan ay lubos na kailangan ng gabay. Ito ay upang matiyak na maayos ang tatahakin nilang landas tungo sa tagumpay at pagbabago ng isang bansa.   a. Milenyal na Kabataan Makabagong kabataan na mababansagan nating mga, Millenials. Ang mga Milenyal na kabataan ay mga kabataang nasa generation Y at Z. Mga ipinanganak noong 1980’s hanggang sa kasalukuyang panahon. Ibat-ibang kultura ang umusbong sa kasalukuyang panahon tulad ng pananamit, lengguwahe, at higit sa lahat ang edukasyon na malay

Tula Tungkol sa Pulitika

Imulat Iyong mga Mata ni: Jerico Adajar Kapatid, imulat mo ang iyong mata Pagmasdan mo ang gulo ng ating bansa Nakita mo na? Pagbabago nasan ba? Gaya ng kwadernong sulat ay blangko pa Kapatid ibukas mo ang iyong mata Wag magbulag-bulagan sa politika Dahil ito ay kasing gulo ng gera Kaya pagpikit? Isang kasalanan na Huwag iboto dahil sa kayamanan Iboto ang taong tapat sa sinoman Gaya ni Rizal na tapat sa’ting bayan Upang kapayapaan ating makamtan

Kaugnayan sa Larawan

Imahe
  Pagbabasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina   Kaugnayan sa Larawan   Pangkalahatang Panuto: 1.      Basahin at unawaing mabuti ang Alegorya sa Yungib ni Plato. 2.      Pumili ng isang paksa / pinapaksa sa binasang sanaysay. 3.      Iugnay ang nailing paksa sa grapikong representasyon na nasa itaas. 4.      Kinakailangang masakop ng inyong pagpapalinawag ang nais iparating ng sanaysay at ng larawan. 5.      Gamitin ang table na nasa ibaba para sa paglalagay ng iyong mga kasagutan.   Bahagi ng akdang binasa Pinapaksa sa bahagi na napili sa akdang binasa Kaugnayan ng larawan sa napiling bahagi At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at bako-bakong daan hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw, hindi ba siya mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang kaniyang mga mata ay maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita ang mga bagay-bagay